Ilang senador, pinuna ang bumabagsak na produksyon ng asin sa Pilipinas

Ibinahagi ng mga senador na umaasa lang ang Pilipinas sa importation ng asin, matapos na bumaba na ang local production nito sa sa bansa, sa kabila ng pagkakaroon ng isa sa pinakamahabang baybayin sa mundo.

Sa pagdinig kaugnay sa naturang industriya, sinabi ni Sen. Joel Villanueva na ang imports ng bansa ay umabot sa 93% ng kabuoang salt requirements, habang ang exports ay nagkakahalaga lang sa $200,000 noong 2021.

Binigyang diin naman ni Villanueva na bago maipasa ang ASIN law, 85% ng salt requirements ang locally produced.

Sinabi naman ni Senator Cynthia Villar na bumaba ang salt production sa Pilipinas ng halos 40,000 metric tons mula sa 240,000 metric tons na naitala noong 1960s at 1970s.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *