Ilang senador, walang nakikitang mali sa naging desisyong i-expel si Teves

Naniniwala ang ilang senador na dumaan sa tamang proseso ang naging desisyong i-expell si Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves, Jr. mula sa House of Representatives dahil sa ipinakita nitong “improper presentation” na nagpapahina sa “efficiency” ng legislative process ng bansa.

Sa naganap na botohan sa House of Representatives, lumabas na 265 ang favor sa pag-expel kay Teves, samantalalang 3 lang ang nag-abstain o umiwas sa pagboto.

Kaugnay nito, ayon kay Senador Chiz Escudero, dumaan sa maayos na hurisdiksyon at tamang paghusga ang naging desisyong i-expell si Teves.

Dagdag pa niya, wala siyang karapatang magbigay ng komento sa idinikta ng Inter-chamber courtesy kung kaya’t maaring sabihing “suffice” na ito.

Ayon pa kay Senador Ronald Bato Dela Rosa, nanggaling ang nasabing desisyon sa committee hearings at hindi lang basta-basta sa mga subsequent sanctions sa lower house.

Kung maaala, nag-ugat ang nasabing desisyon sa naging rekomendasyon ni House Committee on Ethics Chairperson, Felimon Espares na hindi na nagagampanan ni Teves ang tungkulin nito bilang House Representative bagkus sinisira pa nito ang integridad at reputasyon ng House.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *