Ilang senador, wi-nelcome ang planong expansion ng PhilHealth hemodialysis coverage

Umaasa ang mga senador na maipapatupad ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth sa lalong madaling panahon ang plano nitong pagpapalawak ng saklaw ng hemodialysis mula 90 hanggang 156 sessions.

Hinimok ni Senator Christopher Bong Go kahapon ang PhilHealth na gamitin ang pondo nito upang matulungan ang mas maraming mahihirap na Pilipino na magbayad para sa kanilang hemodialysis sessions.

Nangako si Go, na namumuno sa Senate Committee on Health and Demography, na susubaybayan niya ang pagpapatupad ng libreng dialysis program ng PhilHealth.

Samantala, umaasa naman si Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na mailalabas ng Philhealth ang policy guidelines sa lalong madaling panahon.

Umaasa rin ang mambabatas na maaaring ipatupad ng PhilHealth ang mga programa nito nang walang batas upang mabigyan ng flexibility ang  mga programa at benepisyo  upang ganap na maipatupad ang Universal Healthcare Law.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *