Tumutulong ang ilang mga small scale grocery sa mga mangingisda ng Olongapo para makilala sa merkado ang mga ibenebentang produkto.
Ito ay sa pamamagitan ng pagdisplay ng mga produkto sa mga grocery store para maialok sa mga mamimili.
Ayon sa Agriculture Office malaki ang naitutulong ng mga grocery dahil mas mabilis naibebenta ng mga mangingisda ang produkto at kumikita kahit paano.
Samantala, hinihikayat din ng Agriculture Office ang iba pang malalaking grocery store na tulungan ang mga mangingisda para makilala ang mga produkto at maiangat ang kabuhayan.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: Noliboy Cocjin