ILANG TERMINAL SA REGION 2, NATUKLASANG HINDI SUMUSUNOD SA HEALTH STANDARDS – LTFRB

Umapela ang pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board Region 2 sa mga pamunuan ng terminal na siguraduhin ang ligtas at malinis na kapaligitan.

Ito ay matapos magsagawa ng inspeksyon ang LTFRB sa pamumuno ni Regional Director Richard Dayag sa bawat terminal sa lalawigan.

Kaugnay dito, inutusan ni RD Dayag ang mga terminal operators at transport cooperative na panatilihin ang kalinisan, ligtas, at komportable sa mga mananakay ang terminal.

Sa isinagawang monitoring ay natuklasan ng ahensya na ilan sa mga off-street terminals ay hindi sumusunod sa panuntunan particular sa health standards.

Bukod dito ay natuklasan din na ang mga dati nang natukoy bilang intermodal terminal ay hindi pa rin kwalipikado sa kanilang panuntunan kung saan wala ring kakayahan ang mga ito tumanggap ng mga paparadang bus bilang pampublikong transportasyon.

Tiniyak naman ng LTFRB na magpapatuloy ang kanilang isinasagawang inspekyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *