Ilang transport group sa Central Luzon, di pa tiyak kung sasama sa naka ambang tigil pasada

Wala pang katiyakan kung lalahok ang ilang transport group sa Central Luzon sa gagawing tigil pasada sa March 6.

Ayon kay Dan Yumul ng Samahan ng Mga Tsuper at Operator na Tutol sa Phase-out o STOP, hindi pa nag-commit ang kanilang grupo sa planong tigil pasada dahil umaasa pa sila na mapag-uusapan ang kinakaharap na problema kaugnay sa isinusulong ng gobyerno na PUV Modernization Program.

Aniya, magkakaroon ng pagpupulong sa Biyernes sa pagitan ng mga operator, driver at Land Transportation Franchising Regulatory Board kasama ang Department of Transportation hinggil dito.

Umaasa umano ang grupong STOP na maganda ang resulta sa nasabing pag-uusap para hindi na matuloy ang isang linggong tigil-pasada.

Mababatid na nag ugat ang naka ambang isang linggong tigil pasada dahil sa naka takdang pag phase out sa mga traditional jeepney.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *