Ilang transport groups hindi makikiisa sa isang linggong transport strike

Nagpasya ang ilang transport groups na huwag makiisa sa isang linggong transport holiday na inorganisa ng kanilang mga kasamahan simula bukas.

Habang kinikilala ang pagtutol ng iba pang transport groups sa public utility vehicle modernization program ng gobyerno, ipinaliwanag ni Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines President Ricardo RebaƱo na ipagpapatuloy nila ang serbisyo sa mga commuters ngayong linggo.

Aniya, karamihan sa mga miyembro ng FEJODAP, kabilang ang mga nasa labas ng National Capital Region ay nagsabi sa kanya na hindi sila sasama sa transport strike.

Samantala, sinabi ni Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) President Lando Marquez na nag-backout ang ilang transport groups na naunang sasali sa trike.

Samantala, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista, na kasama sa paghahanda ng gobyerno para sa transport strike ang paglalagay ng mga assets para makatulong sa mga commuters, gayundin ang posibleng isang oras na extension ng mga serbisyo ng tren at posibleng suspensiyon ng number coding scheme.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *