Ilang usapin patungkol sa irigasyon tinalakay sa isang pagpupulong na pinangunahan ng NIA

CAMARINES NORTE- Tinalakay sa isang pagpupulong kamakailan dito sa lalawigan ng Camarines Norte ang ilang mga usapin patungkol sa irigasyon sa isang aktibidad na pinangunahan ng National Irrigation Administration (NIA).

Kabilang sa mga inimbitahan ay ang mga Municipal Agriculturists mula sa anim na bayan, Department of Agrarian Reform (DAR) at iba pa.

Layon ng system management committee meeting na mapag-usapan at talakayin ng mga partner agencies ng NIA ang kasalukuyang mga programa, aktibidad at tulong na pakikinabangan ng mga magsasaka.

Sa pamamagitan din nito ay natutugunan ang iba’t- ibang concerns ng Irrigators Associations (IA) sa proseso ng pag- avail ng tulong mula sa gobyerno.

Kabilang sa mga tinalakay ay ang tungkol sa Communal irrigation System (CIS) Devolution, Daet- Talisay River Irrigation System (DTRIS) at Matogdon (MRIS) project status, Free Irrigation Service Act (FISA) and condonation requirements at approved cropping calendar and pattern of planting.

Umaasa ang NIA na sa pamamagitan ng pinagsama- samang pagsisikap ng iba’t- ibang ahensiya, kahit papano ay mapagaan ang mahirap na sitwasyon na kasalukuyang pinagdaraanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *