Iligal na pagkaka- quarry na naging sanhi ng pagkasira ng struktura ng NIA ipinatigil na

CAMARINES NORTE- Natigil na ang iligal na pagka- quarry na naging sanhi ng pagkasira ng struktura na mini- maintain ng National Irrigation Administration (NIA) partikular ang Bibirao Intake.

Wala na ring balak ang ahensiya na magsampa pa ng kaso sa mga maliliit na nagka-quarry sa lugar.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni NIA Camarines Norte Information Officer Mar Villamonte na pinagsabihan na nila ang mga nasa likod ng pagka- quarry at ipinaliwanag sam ga ito ang perwisyong dulot nang kanilang ginawa.

Dumulog na rin ang ahensiya sa Provincial Government at mayroon na rin aniyang memorandum circular ang Mines and Geo Sciences Bureau kaugnay dito.

Noong Miyerkules, October 19, ay nagpakawala ng tubig ang Alawihao Dam upang  bigyang daan ang pagsasaayos ng mga nasirang bahagi ng istruktura ng Bibirao Intake at maalis ang siltation ng Alawihao Dam.

Binuksan na rin ang sluce gate ng Alawihao Dam simula kamakalawa hanggang sa November 30.

Paliwanag ni Villamonte hindi lang ito dahil sa pagsasaayos ng nasirang struktura kundi bilang paghahanda sa pagsisimula ng dry cropping season sa Disyembre.

Wala namang naiulat na naapektuhan ng pagpapakawala ng tubig sa Alawihao Dam dahil bago ito ay nagpalabas ng abiso ang ahensiya partikular sa mga apektadong lugar tulad ng Lag On at San Isidro sa Daet, bahagi ng Del Rosario at Tagongtong sa bayan naman ng Mercedes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *