Illegal recruiter at top 1 most wanted person sa Cagayan, naaresto

Naaresto ang isang ginang na umano’y iligal recruiter na may kinakaharap na patung-patong na kasong estafa at number 1 most wanted person sa probinsya ng Cagayan.

Kinilala ang akusado na si Norma Bunnao, 70-anyos, may asawa at residente ng Brgy. Simayung, Abulug, Cagayan.

Ayon sa pulisya, walong taon umanong nagtago sa batas si Bunnao at naaresto nang isilbi ang warrant of arrest laban sa kaniya ng pinagsanib na pwersa ng General Trias City Police Station, Abulug Police Station, Cagayan Provincial Intelligence Team at Regional Intelligence Unit 2 sa General Trias, Cavite.

Si Bunnao ay may nakabinbin na kasong 3 counts of estafa na may 48,000 bail bond habang wala namang inirekomendang pyansa para sa kasong illegal recruitment.

Napag-alaman din umano batay sa pahayag ng suspek na mayroon pa siyang dalawang kasamahan kung saan nakakulong na ang isa habang pinaghahanap pa ang isang suspek.

Dinala na si Bunnao sa Abulug Police Station para sa karagdagang dokumentasyon at disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *