Covid Update

Ilocos Norte capital, bumalik sa ECQ dahil sa tumaas na kaso ng COVID-19

Balik sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Ilocos Norte sa loob ng dalawang linggo, simula August 1, sa gitna ng patuloy na pagtaas sa kaso ng COVID-19.

Maliban sa lungsod, kinumpirma ni Ilocos Norte Governor Matthew Marcos Manotoc, na isinailalim rin sa kaparehong restriction ang coastal town ng Pagudpud, na isa sa top tourist destination ng Ilocos Norte.

Batay sa datos ng provicial government, ang Laoag City ay nananatiling may mataas na bilang sa kaso ng COVID-19 sa 1,018 active infections, habang ang Pagudpud ay mayroong 143.

Samantala, ang bayan naman ng Bacarra na mayroong 223 active cases, Badoc (69), Burgos (4), at Pinili sa (25) ay isinailalim sa localized general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions.

Ngayong araw, nang ibalik sa modified ECQ ang buong Ilocos Norte matapos magtala ang 312 na mga bagong infections noong Sabado, na all-time high sa naturang probinsya, simula nang magsimula ang COVID-19 pandemic. // MHEL PACIA-TRINIDAD

BNFM National

Recent Posts

PNP, walang impormasyon sa 2 aktibong general na sangkot sa destab plot vs Marcos admin

Walang natatanggap na impormasyon ang Philippine National Police (PNP) na may 2 aktibong heneral na…

2 hours ago

Ombudsman – pinagtibay ang paghahain ng graft vs sa PS-DBM officials re Pharmally scam

Pinagtibay ng Office of the Ombudsman ang desisyon nito noong 2023 para madiin sa kasong…

2 hours ago

DFA: ‘unverified phone call’ ng China at WesCom – layunin lang magdulot ng kalituhan

Nagbabala ang Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa ipinakakalat na balita ng China na…

2 hours ago

SP Zubiri , binweltahan si Labor Sec. Laguesma sa pagtutol nito sa wage hike

Nagsisimula na umanong maging isa sa mga 'unpopular' na Labor Secretary ng Department of Labor…

2 hours ago

BuCor chief Catapang – nabigla raw sa isyu ng strip searching sa Bilibid

Nagtataka raw ngayon si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. sa reklamong…

2 hours ago

Driver ng PNP van na tumakas matapos sitahin sa pagdaan sa busway, inalis muna sa pwesto

Nirelieved muna sa pwesto ang pulis na nagmamaneho ng puting PNP Van na tumakas sa…

2 hours ago