Imbakan ng mga armas ng mga rebeldeng NPA, nadiskubre sa San Mariano, Isabela

Nadiskubre ng mga kasapi ng 95th Infanrty Battalion Philippine Army ang imbakan ng mga armas ng mga rebeldeng NPA sa Sitio Pili, Brgy. Tappa, San Mariano, Isabela.

Ayon sa kasundaluhan, nahukay sa lugar ang limang piraso ng M16 rifle na nasa maayos pang kundisyon.

Sinasabi na ang mga naturang armas ay pagmamay-ari ng mga nauna nang sumuko na mga rebelde at sa pamamagitan din nila ay natunton ang lugar.

Napag-alaman din na ang mga matataas na kalibre ng baril ay nakatakda sanang ibigay ng Rehiyon Sentro De Grabidad (RSDG) sa mga magiging bago recruit ng mga rebelde.

Subalit dahil sa mulat na umano ang mga residente at mamamayan ay wala nang mahikayat ang mga NPA.

Ayon pa sa ulat ng militar, nagsimulang bumagsak ang RSDG dahil sa magkakasunod na labanan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan na ikinasawi ng kanilang lider na si Alyas Yuni.

Inihayag naman ni LTCol. Carlos Sangdaaan Jr., ang Commander ng 95IB ang pagpapasalamat sa mga former rebels sa kanilang tulong at suporta na masugpo ang insurhensya sa kanilang nasasakupan.

Photo/ internet

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *