Imbentaryo ng mga on- going infrastructure projects dapat isama sa mga dokumentong kailangang ihanda sa Transition plan- DILG

CAMARINES NORTE – Pinaalalahanan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga Local Governance Transition Team na isama sa mga dokumentong kailangan sa transition plan ang imbentaryo ng mga on going infrastructure at development projects ng kasalukuyang administrasyon.

Kinabibilangan ito ng mga access road, buildings at iba pang kahalintulad na proyekto na dapat isama sa report ang physical at financial accomplishment.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay LGOO VII Jerwin Novio ng DILG Provincial Field Office sinabi nito na ang naturang kautusan ay base sa ipinalabas na supplemental guidelines ng ahensiya noong Abril bilang karagdagang impormasyon sa naunang circular noong Marso.

Sa March 10, 2022 circular pinapaalalahanan ng ahensiya ang mga LGU, probinsiya at munisipyo na mag- organisa  ng Local Governance Transition Team.

Kasali sa team ang DILG upang mamonitor ang galaw tungo sa pagkakaroon ng maayos na transition.

Ang mga dapat gawin ng transition team na pinamumunuan ng Local Chief Executive kasama ang mga Department Heads at empleado ay magsagawa ng imbentaryo ng mga pag- aaring nagagalaw at hindi nagagalaw.

Kabilang sa mga mahahalagang dokumentong dapat i- turn over sa papasok na administrasyon ay ang Governance Assessment Report, COA report, Contracts and Loan Agreement, Comprehensive Development Plan, Local Development Investment Program, Annual Investment Plan at Comprehensive Land Use Plan gayundin ang capacity development agenda sa mga empleado.

Sa lebel ng probinsiya ay ang Provincial Development and Physical Framework Plan.

Kasama rin sa dapat malaman ng papasok na administrasyon ay ang organizational structure ng mga opisina, imbentary ng mga personnel, Executive Orders, Ordiances and resolution.

At dahil nasa transition ngayon ng devolution ang mga LGU bunsod ng Mandanas Law kasama sa mga dapat malaman ng papalit na administrasyon ay ang devolution transition plan.

Ayon kay Novio dapat umanong matapos ang proseso ng transition plan sa June 30.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *