Imbestigasyon ng Senado sa New Senate Building – lalarga na sa Lunes

Inanunsyo ni Senate Committee on Accounts, Chairperson, Senador Alan Cayetano na nakatakda silang magsagawa ng kanyang komite ng pagdinig sa darating na Miyerkules.

Ito ay upang matiyak ang mabilisan at patas na pagrebyu sa bagong gusali ng Senado na itinatayo sa Taguig City.

Ayon sa senador, layunin ng gagawin nilang pagdinig na bawasan ang delay na maaring resulta ng mga ‘unnecessary cost’ o di kaya ay komplikadong cost-related matters.

Kwento niya, ilang beses na sila lumapit sa Department of Public Works and Highways (DPWH) upang humingi ng mga dokumento na may kaugnayan sa isinasagawang gusali ng Senado pero wala pa rin silang naririnig mula sa mga ito.

Kaugnay nito, nagpaabot na umano sila ng pormal na request kay DPWH Secretary Manuel Bonoan hinggil dito at inaasahan nilang makakapagpasa na ang mga ito bago dumating ang Lunes.

Anya, sa pamamagitan ng pagpasa sa nasabing araw ay magkakaroon ng sapat na oras ang kanilang komite na irebyu ang mga materyales bago ang gagawing pagdinig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *