Imbestigasyon sa Animal Cruelty dapat may managot- Kap. Española

PANSUD- DAPAT may managot sa insidente ng paglalapastangan sa siyam na buwang gulang na bakang pinaghati-hati at iniwang palutang-lutang sa ilog araw na ang nakalipas.

Ito ang binitiwang salita sa Brigada News FM Lebak matapos malaman na pinagmalupitan hanggang sa brutal na pinatay ng walang awang ng mga salarin.

Inamin ni Chairman Diomedes Española na hindi makatarungan ang ginawa sa walang kalaban-labang hayop na kung maituturing na brutal sa kasaysayan ng Pansud.

Malinaw na may paglabag sa “Animal Cruelty Act” lalo’t inabandona ito makaraang sapilitang itawid ito sa kabilang pangpang ng ilog.

Ngunit hindi nagtagumpay ang may gawa nito kaya napilitang hatiin sa dalawa at iiwan ang kalahati sa ilog na halos ikinagulat ng may-ari at ang caretaker na si Ginang Mylene Edisan.

Sa ngayon bibilisan ang imbestigasyon para malaman ang sanhi ng insidente kasabay na paalala ni Kapitan Española na ilagay sa tamang pastulan upang hindi maulit ang pangyayari.

Leave a Reply

Your email address will not be published.