Imbestigasyon sa Degamo slay case, nagiging perya na – Teves

Nagiging perya na ayon kay suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. ang ginagawang imbestigasyon sa di umano’y pagkakasangkot niya sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Ito ang sagot ni Cong.Teves sa isang  virtual presscon sa plano ng Department of Justice na ideklara siyang terorista kung patuloy na hindi uuwi sa Pilipinas at harapin ang kasong pagpaslang sa gobernador.

Pinagtawanan din ng kongresista ang planong ito ng DOJ.

Inihayag ni Teves na mas nauna raw siyang husgahan bago siya inimbestigahan  at nauna siyang ituro na mastermind sa kaso sa pagpatay kay Degamo.

Samantala, tumanggi pa ring bumalik sa Pilipinas si Teves sa kabila ng paulit-ulit na pagtiyak sa kanyang kaligtasan.

Handa aniya siyang bumalik sa bansa kapag siya ay síguradong ligtas na.

Nananatili rin misteryo sa ngayon ang kinaroroonan ng kongresista.

Tinanong ng mga mamamahayag kung siya ay nasa South Korea o wala , ang tanging nasagot lamang niya sa mga ito ay no comment.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *