Imbestigasyon sa nasunog na warehouse na naglalaman ng mga kumpiskadong sigarilyo, nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection o BFP sa bayan ng Porac, sa nangyaring malaking sunog sa isang warehouse sa barangay Mitla.

Nabatid na umabot ng 15 oras ang nangyaring sunog na nagsimula nitong ala-una ng hapon noong Lunes, at naapula kahapon ng madaling araw.

Ang nasunog na warehouse ay imbakan umano ng mga nakumpiskang mga illegal na sigarilyo ng Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Naglalaman din ito ng mga makinarya, mga raw materials, at combustible materials, kaya pahirapan ang pag apula sa apoy.

Tinataya namang aabot umano sa mahigit 4 billion ang halaga ng mga nasunog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *