Imbestigasyon sa sanhi ng sunog sa isang ospital sa China na ikinamatay ng 21 katao, sinimulan na

Sinimulan na ng mga awtoridad ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog sa isang ospital sa Beijing, China na ikinamatay ng 21 katao.

Ayon sa Beijing Daily, ang sunog ay sumiklab sa Beijing Changfeng Hospital sa Fengtai District kung saan 71 mga pasyente ang nailikas.

Wala pang inilalabas na detalye ang mga awtoridad sa bilang ng mga nasugatan sa sunog o kalagayan ng mga biktima.

Nangako si Beijing party secretary Yin Li na pananagutin ang mga responsable sa nangyaring sunog.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *