Implementasyon ng mga ahensya sa inilabas na price ceiling ng bigas, babantayan ng DILG

Nakahanda umano ang Department of Interior and Local Government Unit (DILG) sa lungsod ng Puerto Princesa na sumuporta sa mga ahensya na inatasang magmonitor sa price ceiling o presyo ng bigas.

Ayon kay OIC-DILG City Director Eufracio N. Forones, Jr., bagaman ang Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) ang inaatasan na mag-monitor ng price ceiling, ang Local Government ay magiging katuwang sa implementasyon nito.

Sa panig ng DILG, titiyakin nila na magagampanan ng mga ahensya at kapulisan na bantayan ang itinakdang presyo ng bigas sa mga pamilihan tulad sa ibang panig ng bansa.

Mababatid na inaprobahan ng Pangulo ang Executive Order no.39 na nagtatakda ng price cap sa regular milled rice na 41 pesos kada kilo, habang 45 pesos naman sa kada-kilo ng bigas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *