Implementasyon ng Republic Act 8172 o ASIN law dapat palakasin- PHO

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Provincial Health Office na dapat paigtingin ang implementasyon ng Republic Act 8172 o ASIN law.

Sa ilalim ng ASIN law o Act for Salt Iodization Nationwide, kailangang iodized ang lahat ng food-grade salt para sa human at animal consumption.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco sinabi nito na regular na itong programa ng Department of Health  at Nationan Nutrition Council at mayroong mga polisiya ukol dito.

Mahalaga umanong maipatupad ang batas dahil maraming sakit ang pwedeng maiwasan lalo na ang thyroid problem.

Ani Francisco, mayroon naman aniyang monitoring na ginagawa ang kinauukulang ahensiya ukol sa compliance sa asin law pero ang tanong umano ay kung gaano kadalas itong ginagawa.

Matatandaan naman na sa pagdinig ng Senate committee on agriculture, food, and agrarian reform sa senado noong Enero, sinisi ng isang senador ang ASIN law sa pagkasira umano ng industriya ng asin.

Ayon kay Sen. Cynthia Villar  nagresulta din ito sa pagsimula ng pag-angkat ng non-iodized salt.

Ito ay dahil inoobliga ng batas na ito ang mga local salt producer na gawing iodize ang pangunahing panimpla ng pagkain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *