Importansya ng grow, go, glow food, muling binigyan diin, sa higit 30 mga buntis, na benepisyaryo sa Brgy. End Stunting Symposium & Distribution of Mama Kit sa San Felipe, Naga City

NAGA CITY – Mga Ka-Brigada, naging matagumpay ang idinaos na Mom’s Love End Stunting Symposium and Distribution of Mama Kits sa Barangay San Felipe, Naga City, kung saan higit tatlompong mga buntis ang naging benepisyaryo.

Sa naging programa muling binigyang diin ng Guest Speaker na si Alvin Villacruz, Program Coordinator ng Naga City Population and Nutrition Office, ang importansya ng Grow, Go, Glow Food para sa mga buntis.

Na dapat sa isang kainan ng isang buntis na nanay may grow food tulad ng isda, karne, na mayaman sa protina, na dapat ring makompleto ang 17% na nutrients, sa mga go food naman katulad ng kanin, pancit na nasa 33% na nutrisyon ang dapat makuha ng buntis at sa glow food naman na nahahati sa 33% mula sa mga gulay tulad ng malunggay, ampalaya, at 17% naman sa mga prutas tulad ng saging, at iba pa na nagpapaganda ng physical appearance lalo na para sa mga nagbubuntis.

Mahalaga kasi na sapat at tama ang nakukuhang nutrition ng ina para habang nasa development pa lang si baby malusog at nasa tamang timbang na ito kapag lumabas na.

Isang kamalayan din ito sa mga nanay dahil karamihan ang alam ay namamana ang pagkabansot kung saan hindi totoo kundi nagiging bansot ang bata dahil sa hindi wastong nutrition ni mommy.

Maliban sa nahandugan ng mama kit ang mga buntis, nagpakain din ang BNFM Naga, nabigyan rin ang ilan ng YummyVit dahil sa palaro na lubos namang nasiyahan ang mga ito.

Laking pasasalamat naman ng Barangay sa pamumuno ni Kapitan Al Rodriguez dahil sa ganitong programa, muling naibabalik ang mga natutunan o narerefresh ang mga nanay na malaking tulong para sa tamang pag-aalaga habang nagbubuntis lalo na isa ito sa mga binibigyan nila ng pansin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *