Imported na mga sibuyas inaasahang makakarating ng Naga City People’s Mall; Presyo umaabot pa ng  ₱370-P400 per kilo

Naga City – Inaasahan na makakarating sa Naga City Peoples Mall ang mga inimport na sibuyas mula sa China kung saan ayon sa Bureau of Plant Industry o BPI ay dumating na ang 16 na container ng puting sibuyas at 32 container naman sa pulang sibuyas.

Naniniwala si NCPM Market Superintendent Mon Florendo na hindi malayong makakarating ang mga inangkat na sibuyas sa lungsod ng Naga sa oras na matapos na ang isinasagawang border inspection lalo pa’t maraming biyahero ang nagbabagsak ng mga produkto katulad ng gulay sa NCPM na galing sa mga karatig na rehiyon.

Samantala, naglalaro pa sa  ₱370 hanggang  ₱400 ang presyo ng sibuyas sa lungsod, bumaba ng kaunti kompara noong nagdaang taon.

Ayon pa kay Florendo, mas bababa pa ang presyo nito sa oras na magsidatingan na ang mga imported na sibuyas galing China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *