Imported onions, dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ang ilang bahagi ng mga in-import na puti at pulang sibuyas sa Manila South Harbor.

Ayon kay Bureau of Plant Industry (BPI) Director Glen Panganiban, nasa 16 container vans ng imported na puting sibuyas ang dumating sa bansa habang 32 container vans naman ang pulang sibuyas.

Ang ilan sa mga ito ay nasa cold storage na matapos ang inspeksyon.

Sa mga susunod na araw, inaasahan nang makikita ang mga inangkat na produkto sa mga pamilihan sa Metro Manila.

Ang mga dumating na tone-toneladang sibuyas ay parte lamang ng mahigit 5,000 metric tons na inaasahang makararating sa bansa hanggang January 27.

Paliwanag ng Department of Agriculture-Bureau of Plant Industry, inaasahan nila na makatutulong ang mga imported na agricultural products sa pagbaba ng presyo sibuyas sa merkado.

Matatandaaang inaprubahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang importation ng mahigit sa 21,000 metric tons ng sibuyas sa gitna ng patuloy na pagsirit ng presyo nito sa merkado.
#

Importation ng mahigit 21,000 MT ng sibuyas – pinahaharang ng Makabayan bloc

Naghain ang Makabayan bloc ng resolusyon na naglalayon ng agarang suspensyon sa importation ng 21,060 metric tons ng sibuyas ng gobyerno.

Sa inihaing House Joint Resolution No. 18, pinabulaanan ng grupo ang naging katwiran ng gobyerno pagdating sa pag-angkat ng naturang agricultural product.

Ayon sa grupo, price manipulation, profiteeting, at hoarding ng mga cartels at large traders ng sibuyas at talamak na smuggling sa bansa ang dahilan ng krisis sa sibuyas, taliwas sa ipinakikitang problema ng gobyerno.

Dagdag ng mga mambabatas, nakikiusap na ang mga magsasaka mula sa San Jose, Occidental Mindoro para huwag ituloy ng gobyerno ang importation dahil maaaring malugi ang mga ito sa nalalapit nilang harvest season.

Matatandaang dinepensahan na ni Marcos ang planong imporation ng sibuyas sa bansa, at iginiit nitong ‘no choice’ na sila at kailangan na lang mag-angkat ng naturang produkto.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *