Local News

Improvement and upgrading ng Water System Facilities sa Brgy. Banquerohan isasagawa ng LGU Legazpi

LEGAZPI CITY – Nagiging problema ng ilang residente sa southern Barangays ng lungsod ng Legazpi ang kalawalan umano ng supply ng tubig sa kani-kanilang tahanan.

Dahil dito ay mas binigyan ng prayoridad ng City Local Government Unit ang problema sa tubig sa bawat barangay.

Ayon kay Noel Rosal ang Alkalde ng Lungsod ng Legazpi, improvement and upgrading ng Water System Facilities sa Barangay Banquerohan ang magiging solusyon sa problema ng ilang barangay o residente.

Aniya, mayroon ng dating water source system ang nasabing barangay ngunit ay hindi ito sasapat para masupplyan ang mga residente.

Dahil dito ay dinagdagan ng City LGU ng water source ang barangay sa pamamagitan ng solar panel na nagkakahalagang P6.5M na kung saan ang bawat barangay umano ay magkakaroon ng supply ng tubig.

Dagdag pa nito sa Level 2 ay maglalagay ng portable water sa barangay na 50m mula sa water source system na kung saan ay libre gagamitin ng mga residente.

Nilinaw nito centrong barangay ng Banquerohan lamang ang kayang abutin ng supply ng tubig.

Aabot pa sa apat o limang southern barangay ang may problema sa tubig.

Panawagan ng Alkalde mula sa kongreso na sana’y maglaan rin ng pondo ang mga ito sa patubig dahil sa hindi kakayanin ng LGU Legazpi at Legazpi City Water District (LCWD) dahil malaki laki ang gagamitin na pondo para lang mabigyan ng tubig ang mga barangay at limitado rin ang budget ng Local na Pamahalaan.

BNFM Legazpi

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

14 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

14 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

14 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

14 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

14 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

15 hours ago