Ina na sapilitang pinag-jumping rope ang anak ng 3,000 beses sa isang araw sa paniniwalang nakakatangkad ito, inaresto sa China

Hangzhou, China–  Sabi nila, wala raw magulang na maghahangad ng ikakapahamak ng kanilang mga anak at handa nilang isakripisyo ang lahat para sa ikakabuti ng mga ito.

Ngunit paano kung ang inakala mong ikakabuti ng iyong anak ay mauwi naman sakanyang kapahamakan?

Sa Hangzhou province sa bansang China, inaresto ng mga otoridad ang isang ina matapos nitong sapilitang pinag jumping rope ang kanyang 13-anyos na babaeng anak.

Ayon sa local news agency, na diagnosed ang bata sa pagkakaroon ng kondisyon na kung tawagin ay “traction apophysitis of the tibial tubercle.”

Natamo ito ng bata dahil sa pag jumping rope ng 1,000 beses sa umaga, 1,000 sa tanghali at 1,000 beses sa gabi.

Naniniwala kase ang kanyang ina na ito ay kanyang ikakatangkad. Matapos na dumaing ng pananakit ng tuhod, at dalhin sa ospital, dito na napag-alaman na seryoso ang natamong injury ng bata dahil sakanyang araw-araw na pag ju-jumping rope.

Mismong ang mga doktor na kumonsulta sa bata ang nag report at nakipag ugnayan sa mga otoridad dahil sa maling gawain ng ina nito.

Sa tulong ng Social Welfare Department sa naturang lugar, naaresto ang ginang at kasalukuyang nililitis ang kanyang kaso dahil sa sapilitang pagpapagawa ng bagay sa kanyang menor de edad na anak na ikinapamahamak nito.### JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *