Ina ni Jemboy Balatazar, nabahala sa seguridad ng kanyang pamilya

Nabahala ang ina ni Jemboy Baltazar sa seguridad ng kanyang pamilya.

Ito’y matapos mapagkamalan si Baltazar na suspek at napatay ng pulis-Navotas.

Sa ikalawang pagdinig ng Senate Committee on Public Order, sinabi ni Roda Baltazar na natatakot ang pamilya nito dahil maraming pulis ang sangkot sa kaso at posibleng barilin na lamang sila habang natutulog.

Umapela naman si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na bigyan ng seguridad at tiyakin ang proteksyon sa pamilya ni Baltazar gayundin sa mga testigo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *