Ina, patay; menor de edad na anak, sugatan sa pamamaril sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Patay ang isang ina matapos na barilin sa kanilang bahay habang sugatan naman ang anak nito sa Bula, Camarines Sur.

Nangyari ito bandang alas-5 ng umaga kahapon Mayo 19, 2023 sa Barangay Casugad.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PCPT David Olleres Jr, Deputy Chief of Police ng Bula Municipal Police Station, sinabing lumalabas sa imbestigasyon na pinasok ng hindi pa nakikilalang salarin mula sa likod ng bahay ang mga biktima na nakahiga pa ng mga oras na iyon.

Binaril ang biktimang si Gigi Memes, 37 anyos na tumagos sa dibdib nito ang bala, nahagip naman sa braso ang 11-anyos na anak na sumubok sanang iligtas ang ina.

Naisugod pa sa Bicol Medical Center ang mga biktima pero binawian ng buhay si Gigi.

Hindi inaalis ng PNP ang anggulo ng pagnanakaw dahil negosyante ang ginang pero may mga person of interest na sila. personal na galit ang isa pang tinitinggan ng pulisya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *