Ina Raymundo, asawa at limang anak, nahawa sa COVID-19

Ibinahagi ni Ina Raymundo na siya, kasama ng asawang si Brian Portunak, at ang kanilang limang anak ay nahawa sa COVID-19.

Pagbabahagi ng aktres, ang kanyang youngest daughter ay Minka ay karerekober lang sa COVID-19.

Dagdag ni Ina, siya ang huling nahawa sa kanilang pamilya, kaya nagpapasalamat umano siya na naalagaan muna niya ang mga ito.

Mababatid na maliban kay Ina, iba pang mga celebrities gaya nina Arnold Clavio, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss Globe 2021 Maureen Montagne, Candy Pangilinan, Tuesday Vargas, Alyssa Valdez, Iya Villania at marami pang iba ang nahawa sa COVID-19 ngayong pagsisimula ng taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *