Inaasahang El Niño phenomenon hindi gaanong makaaapekto sa mga palay farmer – OPAG Sorsogon

Tiwala ang pamunuan ng Sorsogon Provincial Agriculture Office na hindi gaanong maaapektuhan ng inaasahang El Niño ang mga magsasaka ng palay sa lalawigan.

Ayon kay Provincial Agriculturist Maria Teresa Destura, ang mga ganito kasing pagkakataon ay napaghandaan naman na ng ahensya kung saan mayroon silang mga variety ng palay na talagang nakalaan para sa dry season at tagtuyot.

Aniya, alam na rin umano ito ng mga technician ng bawat munisipyo kung kaya ang ipinapamahaging palay seeds ng mga ito ay kung ano ang naaangkop sa panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *