Inaawat na suspek namaril ng pulis sa Iriga City

CAMARINES SUR- Sa halip na sumuko, pinaputukan pa  ng isang lalaki ang off duty na pulis na umaawat sana sa kaniya sa Iriga City.

Sa report ng PNP bandang alas-8 Lunes ng gabi Octobre 2, 2023 , habang papauwi na sa Barangay San Agustin,  rumisponde si PSSg Oseas Felomina Agapito dahil binaril ni “Gene” na residente pa ng Lagonoy si “Ed”.  Maswerte namang hindi tinamaan ng shut gun si “Ed”.

Kinumpronta ng pulis ang suspek pero sa halip na sumuko, pinaputukan din si PSSG Agapito at maswerte ring nakailag.  Gumanti ito ng putok at tinamaan sa braso ang suspek.  Sinubukan pang tumakas ng suspek pero nahulog sa motosiklong sinasakyan, naaresto ng mga pulis at SWAT at dinala sa ospital.

Narekober ang isang unit ng  Bersa pistol  apat na  fired cartridge sa kalibre 9mm.

Mahaharap na sa kasong paglabag sa COMELEC Gun Ban at Direct Assault.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *