Inagurasyon ng bagong Albay Biosphere Reserve Research and Development Center, pinangunahan ng PENRO Albay

Pinangunahan ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) Albay sa pamumuno ni OIC PENR Officer Engr. Jerry R. Arena ang inagurasyon at blessing ng bagong Albay Biosphere Reserve Research and Development Center sa Brgy. Cavit, Manito Albay.

Ang nasabing establishimento ay naglalayong sumuporta sa Marine Wildlife Sanctuary and Mangrove Conservation sa lalawigan at magsisilbing monitoring and rescue station ng mga marine animals.

Matatandaang noong nakaraang taong 2016 ay idineklara ang lalawigan bilang World Biosphere Reserve ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) na kung saan ito ang naging dahilan upang mapabilang ito sa listahan ng mga lugar sa mundo bilang “areas for learning about the sustainable development of natural resources and biodiversity.”

Ang lalawigan din ay ang ikatlong Biosphere Reserve sa bansa kasunod ng Puerto Galera at Palawan.

Samantala, ang nasabing aktibidad ay dinaluhan naman nina Manito mayor Rebecca D. Chen; kinatawan ni Albay 2nd Dist. Rep. Joey Salceda na si Raymund Daen; at DENR Bicol Asst. Reg. Dir. for Management Services Grace L. CariƱo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *