Inagurasyon ng East Asia Super League, gaganapin sa susunod na linggo

Gaganapin sa ika-28 ng Hunyo ngayong taon ang inagurasyon ng East Asia Super League (EASL) na gagawin sa Shangri-La The Fort Manila.

Pangungunahan ni EASL CEO at co-founder Matt Beyer ang naturang seremonya kung saan dadalo si FIBA executive director for Asia at FIBA Asia secretariat CEO Hagop Khajirian.

Dadalo din dito ang ilang representatives mula Korean Basketball League (KBL), Japan’s B. League at Bay Area Dragons mula China.

Samantala, inimbitahan din sa nasabing pagtitipon si PBA Board of Governor chairman Ricky Vargas at Commissioner Willie Marcial. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published.