Inagurasyon ng isang irrigation system naging matagumpay

Naging matagumpay ang isinagawang inagurasyon ng National Irrigators Association o NIA MIMAROPA sa katatapos lang nilang proyekto na Irrigation System para sa Pula River sa Barangay Inclanay Pinamalayan, Oriental Mindoro.

Ito ay bilang tugon ng NIA MIMAROPA, patungkol sa panawagan ng mga magsasaka mula sa naturang bayan, na palakasin ang agos ng tubig mula sa Pula River para sa kanilang mga sakahan.

Makikinabang sa proyektong ito ang nasa mahigit dalawang libong magsasaka, na mula sa tatlong mga bayan ng Socorro, Pinamalayan, at Pola sa Oriental Mindoro.

Layon ng naturang proyekto na magkaroon ng maayos na patubig ang mga magsasaka, upang masiguro ang kalidad ng kanilang produksyon.

Tinatayang aabot naman sa limampung milyong piso ang halaga ng perang nagasto, para sa pagsasaayos ng naturang irigasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *