Inauguration ng bagong Southern Luzon PAGASA Regional service division isinagawa

LEGAZPI CITY -Isinagawa kahapon ang Inauguration ng Southern Luzon PAG ASA Regional Service Division sa lungsod ng legazpi.

Ang inagurasyon ay sinimulan sa pagdiriwang ng Banal na Misa na sinundan ng seremonyal na ribbon cutting at pagbendisyon sa palibot ng nasabing pasilidad.

Ayon rito, taong 2019 pang nasimulan ang paggawa ng proyekto subalit huminto ito dahil sa pandemya. Naipagpatuloy lamang ang pagsasagawa ng proyekto ng lumuwag ang health protocols laban sa covid 19 kung kayat inabot ito ng halos tatlong taon sa paggawa ng proyekto.

Aabot sa P13M ang inilaan ng gobyerno para sa bagong gusali ng 𝐒𝐨𝐮𝐭𝐡𝐞𝐫𝐧 𝐋𝐮𝐳𝐨𝐧 𝐏𝐀𝐆𝐀𝐒𝐀 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞 𝐃𝐢𝐯𝐢𝐬𝐢𝐨𝐧.

Nananawagan din na bigyang-priyoridad ang utilization at adaption ng mga magagamit na mayamang lokal na yaman, teknolohiya at talino upang palakasin ang kakayahan ng bansa para sa pag-asa sa sarili at paglikha ng kayamanan Dinaluhan rin ito nila Sec DOST Fortunato T. de la Pena, DOST, Engr. Sancho A. Mabborang, Undersecretary, Renato U. Solidum, Jr., Undersecretary, DOST S&T Services, Dr. Landrico U. Dalida, Jr., Deputy Administrator for Operations and Services, PAGASA, Dir. Vicente B. Malano, Cedric Daep ng Apsemo at marami pang iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *