Inauguration ng Baltog Bridge sa Brgy. Dapdap, Legazpi City sinagawa kahapon

Legazpi City —Kasabay ng pagdiriwang ng ika-29 at ika 30 taon ng Ibalong Festival ay isinagawa ang unveilling and inauguration at blessing sa rebulto ng Ibalong hero na si Baltog kahapon.

Ang nasabing rebulto ay nakatayo sa Sawangan Park, Brgy. Dap-dap, sa lungsod ng Legazpi. Ayon kay Noel Rosal ng Legazpi,  ang rebolto ni Baltog ay ipinagawa ito ng JCI Legazpi at ng local na pamahalaan sa disenyo ng Tropang Napay sa pangunguna ni Toi Napay at anak nitong Johnny Napay.

Aniya, wala umano ginastos ang LGU sa pagpapagawa ng nasabing rebolto kung saan ang bawat rebolto ay mayroong kanya kanyang sponsor sa pagpapatayo.

Umaasa rin ang alkalde na mapanatili nito ang kalinisan ng monumento na itinayo sa lugar.

Ayon kay Johnson Uy, Presidente ng JCI Legazpi, ang rebolto ni Baltog ay simbolo ng pagpapakita ng katapangan na kahit mayroong pandemya o problema ang bansa ay kailangan ipakita ng bawat Pilipino na hindi dapat sumusuko.

Aniya, maging inspirasyon sana ng bawat tao ang rebolto ito sa pamamagitan ng paghahanap ng trabaho upang hindi maranasan ang kahirapan. Aabot din sa P300K ang nagastos ng JCI Legazpi sa pagpapagawa kay Baltog.

Sinabi rin ni Darlito Perez ang Curator ng Museo De Legazpi, bilang pagkilala sa epikong Bicol na Ibalong ay ipinangalan din sa tatlong bayani nito ang tatlong tulay na sakop ng Legazpi City Boulevard. Ang Baltog Bridge ang ipinangalan sa tulay sa Brgy. Dap-Dap, Handyong Bridge naman sa tulay na sakop ng Brgy. Puro at Bantong Bridge sa tulay sa Brgy. Lamba.

Ang rebolto ni Baltog ay mayroong taas na 10ft.

Salig ito sa City ordinance 15-0009-2021 na nagmamandato na ipangalan sa 3 bayani ng epikong Ibalong ang mga nasabing tulay.

Ang Ibalong Festival ay taunang ginaganap sa lungsod ng Legazpi kung saan maraming makukulay na aktibidad ang itinatampok noong panahong wala pang pandemya. Inaasahan rin sa mga susunod na buwan ang rebolto ni Handyong at Bantong ay maitatayo na rin sa bawat tulay ng nasabing barangay.

Ang nasabing aktibidad ay dinalohan rin nina Regional Director Herbie Aguas ng Department of Tourism (DOT) Bicol, Provincial Tourism Office hewd Dorothy Colle, Sangguniang members ng lungsod, JCI Members at iba pang opisyal ng lokal na gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *