Incident Management Team, ikinaalarma ang ulat na may pasahero ang nameke ng Antigen test result.

Ikinaalarma at ikinadismaya ng Incident Management Team of Puerto Princesa ang ulat na mayroong isang pasahero ng shuttle van ang nagpakita ng hindi totoong Antigen Test Result sa Quarantine Control Point sa bayan ng San Vicente.

Ayon kay IMT Commander Dr. Dean Palanca, posibleng kasuhan o panagutin sa batas ang sinomang mandaraya ng Antigen Test Result dahil seryusong kondisyon ang pagiging positibo o Reactive sa Antigen Test.

Ang isang Antigen Positive ay ikinokonsidera nang COVID-19 confirmed kahit hindi pa ito naisailalim sa RT- PCR Test.

Idinagdag ni Palanca na hanggaโ€™t maaari ay hindi dapat pinalalabas o pinapauwi ang Antigen Reactive/ Positive maliban kung mayroong doktor sa  mga klinika ang aako sa responsibilidad sa nagpositibo.

Samantala, nakikipag-ugnayan ang IMT sa ilang private laboratory sa Puerto Princesa  tungkol sa mga dapat na gawinat sundin  sa tuwing may nagpopositibo.

Pinayuhan nito ang private laboratories sa lungsod na maging responsable sa mga Antigen Test Result ng mga kliyente at hiniling din nito ang koordinasyon sa IMT.

Matatandaan,nitong hapon ng May 24, 2021 nang mabisto sa checkpoint ang ginawang pagbura sa totoong resulta ng Antigen Test ng isang babaeng pasahero ng shuttle van mula sa Puerto Princesa kaya dinala ang lahat ng ibang pasahero sa Quarantine facility ng San Vicente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *