Incident Management Team nagsimula na sa pagtanggap ng mga returning residents ngayong araw.

Nagsimula nang tumanggap ngayong araw ng Biyernes, September 17, 2021 ang Incident Management Team (IMT) ng mga returning residents dito sa Lungsod ng Puerto Princesa.

Ayon kay IMT Commander Dr. Dean Palanca, dahil umano nasa ilalim na ng General Community Quarantine, Alert Level 4 ang National Capital Region (NCR) kaya pinapayagan na nila kumuha ng mga kinakailangan na dokumento ang mga taga-Lungsod na gustong umuwi o magbyahe pabalik sa Puerto Princesa.

Nilinaw rin ni Dr. Palanca na 80 individuals lamang ang papayagang pumasok, ito umano ay pinagsamang Returning Residence at mga Authorized Persons Outside Residence.

Nagpaalala rin ito na bago bumuli ng ticket o mag-asikaso ng mga requirements sa pagbyahe ay kailangan na makipag-ugnayan muna sa tanggapan ng IMT, upang maisaayos ang pagpasok at hindi masayang o ma-denied dahil posibleng puno na ang slots.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *