Incoming DOLE sec. Laguesma sa endo – ‘may solusyon pa’

Tiniyak ng incoming Labor secretary na si Benny Laguesma na pag-aaralan nitong maigi ang mga hakbang para matugunan ang isyu ng kontraktwalisasyon at ‘endo’ o end of contract sa bansa.

Aminado si Laguesma na isang malaking hamon para sa Labor office ang mga usapin hinggil sa labor issues ng ating mga manggagawang Pilipino.

Sa kabila nito, titiyakin umano niyang mababalanse ang pangangailangan at kapakanan ng mga laborer, pati na rin ang mga employer nito.

Samantala, sinabi rin ni Laguesma na bukas ito sa mga panukalang pag-aralan ang mga mungkahing buwagin na ang regional wage boards.

Sa iallim kasi nito, magkakaroon na lamang ng national na minimum wage sa buong bansa.

Aniya, maaari itong pag-aralan pag-upo niya sa Gabinete ng administrasyong Marcos, ngunit ang pinakamahalaga pa rin aniyang hakbang na nakikita nito ay ang paggegenerate ng mas maraming trabaho at pangkabuhayan.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *