Incompetent PhilHealth officials, dapat daw mag-resign na kung hindi kayang protektahan ang personal information ng mga miyembro

Nais ni AnaKalusugan Party-list Representative Ray Reyes na managot ang Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth matapos umanong mabigong protektahan ang personal na impormasyon ng mga miyembro.

Kasunod ito ng pag-atake ng Medusa Ransomware group na nagdulot ng data breach sa PhilHealth.

Ayon kay Reyes, dapat na magbitiw na sa puwesto ang mga opisyal ng PhilHealth kung mananatili silang “incompetent” na hindi tumatalima sa guidelines na magsisiguro sa integridad sa government transactions.

Binuweltahan din nito ang mga opisyal na sinisisi ang government procurement rules kaya hindi nito nagawang i-update ang antivirus systems.

Malinaw aniya na palpak ang liderato at hindi binibigyan ng pagpapahalaga ang proteksyon sa datos lalo’t pabagu-bago at malabo umano ang kanilang pahayag.

Bagama’t pinuri ng mambabatas ang Department of Information and Communications Technology sa pagtulong nito sa PhilHealth na maibalik ang sistema, nakababahala pa rin ang pag-kompromiso sa mga personal na impormasyon na maaari umanong nasa dark web na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *