Incumbent Punong Barangay ng Taal, Batangas, patay sa pamamaril ng riding in tandem

Patay sa pamamaril ng riding in tandem ang Incumbent Punong Barangay ng Taal, Batangas kahapon.

Kinilala ang bitkima na si Erasmo “Resty” Divino Hernandez, Barangay Captain ng Barangay Poblacion Zone 10 Taal, Batangas.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, nakatayo si Hernandez sa harap ng kanilang barangay hall nang lapitan ng mga suspek at pagbabarilin ito bandang alas 7:20 ng umaga kahapon.

Nabatid na si Hernandez ay reeclectionist para sa Barangay elections.

Naisinugod pa sa Lemery Doctors Hospital ang biktima bago bawian ng buhay.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang posibleng motibo sa pamamaslang at kung may kaugnayan sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan election ang insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *