Nagsasagawa na ng external investigation ang independent body kaugnay sa technical glitch na nagdulot sa new year air traffic mess, kung saan naapektuhan ang daan-daang flights sa buong bansa.
Matatandaan na may ilang panawagan na ginawa na naghihimok sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na mag-inhibit sa imbestigasyon mula sa pagtitiyak ng impartial probe.
Ayon sa DOTr, na ang investigating body ay binubuo ng mga kinatawan mula sa Department of Transportation (DOTr), Department of Information and Communications Technology (DICT), Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), National Bureau of Investigation (NBI), at ang National Intelligence Coordinating Agency (NICA).
Samantala, ang CAAP, ay opisyal nang nag-inhibit mula sa pagdalo sa naturang imbestigasyon.
Kaugnay nito, binisita na ng mga kinatawan ng naturang participating agencies ang site ng Communication, Navigation, and Surveillance/Air Traffic Management (CNS/ATM) system — CAAP’s navigation system.