India, gustong mag-host ng 2036 Olympic at Paralympic Games

Kinumpirma ng Punong Ministro ng India na si Narendra Modi na magbi-bid ang pamahalaan para mag-host ng 2036 Olympic at Paralympic Games.

Sa pagsasalita sa pagbubukas ng seremonya ng sesyon ng International Olympic Committee (IOC) sa Mumbai, sinabi ni Modi na ang pagho-host ng kaganapan ay “ang matagal ng pangarap” para sa India.

Walang tinukoy si Modi na lungsod o rehiyon, ngunit ang Ahmedabad, na ipinagmamalaki ang pinakamalaking istadyum sa mundo na may kapasidad na 132,000 at ipinangalan sa Punong Ministro ng India, ay magiging isang malamang na kalaban bilang pangunahing host city para sa bid ng bansa.

Bukod sa India, ang Indonesia, Poland, at Mexico ay dati nang nagpahayag ng opisyal na interes sa pagho-host ng 2036 Olympics.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *