India itinangging mas mataas ng sampung beses ang COVID-19 deaths sa bansa

Mariing itinanggi ng India ang report na lumabas sa US-based Center for Global Development na posibleng umabot sa sampung beses na dami ng kabuoang COVID-19 death sa India taliwas sa mga lumabas na report.

Sinabi ni Indian Health Minister Mansukh Mandaviua na wala silang dahilan para itago ang tunay na bilang ng mga nasawi.

Ayon kay Mandaviya, ini-report lang ng Indian government ang mga figures na ipinaabot ng mga state governments.

Binigyang diin ni Mandaviya na hinding-hindi hiniling ng kanilang gobyerno na huwag i-report ang tunay na bilang ng mga nasawi bunsod ng COVID-19 sa kanilang bansa.

Una nang inilabas ng Center for Global Development na ang estimated na 3.4 million ay base sa excess death recorded ng India’s Civil registration system habang ang ikalawang estimate na 4-million death ay base naman sa seroprevalence surveys ng India samantalang ang 4.9 million na estimate ay nakabase naman sa Center for the Monitoring of the Indian Economy survey.

Matatandaan na base sa report ng India, nasa 400,000 lamang ang patay bunsod ng COVID-19 pandemic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *