Naiulat ng India ang bagong 4,529 na bagong fatalities nitong Miyerkules.
Nagsisilbi ito bilang pinakamataas na fatalities na naitala ng naturang bansa sa loob ng isang araw mula nang magsimula ang pandemya.
Dahil diyan ay pumalo na sa 283,248 ang death toll ng India sa COVID-19.
Naitala naman ng India ang panibagong 267,334 na bagong kaso ng COVID-19.
Ito na ang ikatlo sa magkakasunod na araw na nagtala ang India ng mga kaso na mas mababa sa 300,000 sa gitna ng second wave ng infections.
Sa ngayon ay pumalo na sa mahigit 25.4-million ang kabuoang bilang ng mga kaso sa India.
Mababatid na nasa mahigit 185.7-million vaccine doses na ang na-administer sa India, kabilang na ang mahigit 1.2-million shots na naitala noong Martes.
Nailigtas ng mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang dalawang Philippine…
Ipinagbabawal muna ang mga street buskers sa Session Road sa Baguio City dahil sa hindi…
Positibo ang Department of Finance na kayang maabot ng mga Government Owned and Controlled Operations…
Ipinag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos na simplehan at pabilisin ang permitting process ng mga infrastracture…
Nakumpiska sa mga sakop sa Davao City Police Office (DCPO) ang kapin 6.6 milyon kantidad…
CAMARINES SUR — Negatibo sa isinagawang HIV Screening, Counseling, and Testing ang nasa dalawang daan…