India, nasungkit ang titulo bilang Man of the World

Nasungkit ng bansang India ang titulo bilang Man of the World na ginanap sa Baguio Convention Center nitong ika-18 ng Hunyo.

Tinalo ni Aditya Khurana ang nasa 21 pang kandidato para sa naturang pageant kung saan hinirang din siya bilang Sine Cordillera Film Ambassador.

Second runner-up naman ang pambato ng Pilipinas na si Nadim Elzein kung saan nakuha niya ang Mister Congeniality at Best in National Costume.

Samantala, nanalo naman ang Ukraine bilang first runner-up, third runner-up ang Netherlands habang fourth runner-up naman ang Vietnam. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published.