Indian national at isang tulak, arestado sa Laguna

Himas rehas ngayon ang isang Indian national at umano’y tulak ng droga matapos maaresto sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. San Gregorio, San Pablo City, Laguna.

Kinilala ng Laguna PPO ang mga suspek na sina alyas “Sawaran” isang Indian national na kasalukuyang residente ng naturang lungsod at alyas “Alexander”, residente ng Calauan, Laguna.

Naaresto ang mga suspek matapos magpanggap ang pulis bilang poseur buyer kapalit ang buy-bust money.

Nasamsam sa mga ito ang limang piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na aabot sa humigit-kumulang 2 gramo na may halagang aabot sa Php 13,500.00.

Nakumpiska rin sa mga ito ang 500 pesos na buy-bust money, isang 500 peso bill, tatlong piraso ng 100 peso bill, isang coin purse, cell phone at isang Yamaha MXi 125.

Ang naturang mga akusado ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act of 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.”

Samantala, ang mga nakuhang ebidensiya ay isinumite sa Crime Laboratory para sa forensic examination.

Nasa kustodiya na ng San Pablo CPS ang mga naarestong suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *