Indonesian Tourism Minister, dapat daw mag-public apology dahil sa pangba-bash sa tourism video ng Pilipinas

Inihayag ni Sen. Nancy Binay na dapat magsagawa ng public apology si Indonesian Tourism Minister Sandiaga Uno sa Pilipinas matapos nitong paratangan na ginamit ng Department of Tourism ang rice paddies ng Indonesia.

Ayon kay Sen. Binay, dapat humingi ng paumanhin si Uno sa Pilipinas dahil nakasira ito sa imahe ng bansa.

Samantala, una ng nilinaw ni Tourism Sec. Christina Frasco na hindi magkatulad ang tourism video na Love the Philippines sa tinukoy ni Uno na ipinalabas sa United Nations World Tourism Organization.

Dagdag pa ni Frasco, na nagsagawa na ng pakikipag-ugnayan ang DOT sa pamamagitan ng diplomatic channel upang maitama ang nasabing pahayag ngunit wala pang tugon ang Indonesia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *