Palalakasin ng Kagawaran ng Agrikultura ang industriya ng kape at cacao sa Central Luzon.
Kamakailan ay nagpulong ang mga key player sa sektor ng kape at cacao tulad ng mga magsasaka, provincial High Value Crops Development Program coordinators, at iba pang stakeholders
Ito ay para makapagbahagi ng kanilang mga kaalaman sa pagpapabuti ng industriya ng kape at cacao.
Ayon kay Regional High Value Crops Development Program Focal Person Engr. AB David, sana ay magkaroon sila ng kongkretong plano at matukoy ang mga gap na makikita sa mga presentasyon.
Samantala nagkaroon rin ng presentasyon ukol sa kasalukuyang kalagayan ng industriya ng kape at cacao sa rehiyon, kabilang ang mahahalagang datos hinggil dito.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
