Infectious diseases expert, may paalala vs monkeypox virus

Pinaalalahanan ni infectious diseases expert Dr. Rontgene Solante ang publiko na dapat itong maging aware sa mga sintomas at kung papaano nata-transmit ang nakahahawang monkeypox virus.

Ito ay makaraang kumpirmahin kahapon ng Department of Health na nakapasok na ito ng bansa matapos ang infected case ng isang 31-anyos na Pilipinong mula abroad.

Ayon kay Solante, dapat ay i-monitor ang sarili mual sa mga posibleng sintomas nito kabilang na ang mga nakiktiang rashes sa mukha, genital areas, kamay, tuhod at lower extremities.

Posible rin umano ang lagnat, pananakit ng ulot at katawan.

Matapos ang tatlo hanggang apat na araw, huhupa raw ang lagnat at tska dito na lalabas ang mga rashes sa katawan.

Bagamat mababa pa ang mortality rate nito, pinayuhan ni Solante ang publiko na panatiliin pa rin ang pagsunod sa mga minimum public health standards para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Ang mahalaga aniya sa ngayon ay kaagad na magpa-test para matukoy kung ang mga marka o rashes na lumalabas sa balat ay bulutong o monkeypox na.

Matatandaaang sa ulat ng DOH, 10 ang naitalang close contacts ng infected case; habang tatlo ang kasama nito sa tahanan.

Dating NTF vs COVID-19 adviser, naniniwalang dapat mayroong sariling inter-agency task force na tututok kontra mokeypox virus

Naniniwala si dating National Task Force vs COVID-19 at public health advocate Dr. Tony Leachon na mas magiging maayos ang pagresponde laban sa monkeypox kung mayroong itatatag na sariling inte-ragency taskforce para rito.

Sa isang panayam, ipinaliwanag ni Leachon na hindi na raw kakayanin ng kasalukuyang taskforce vs COVID-19 kung sa kanila rin ipapasa ang mga hakbang para tugunan ang pagkalat ng monkeypox virus sa bansa.

Umapela rin ito na dapat ay magkaroon ng mas malinaw na representasyon kung ano ang whereabouts ng 31-year old na nahawahan nito.

Sa ganitong paraan aniya ay maiiwasan ang pagkalat ng sakit.

Sa huli, pinaalalahanan nito ang publiko na hindi dapat mag-panic lalo na’t ‘di gaya ng COVID-19 – hindi airborne ang monkepox virus.

Ang mahalaga aniya sa ngayon ay mag-doble ingat pa rin ang lahat lalo na’t 6-21 days ang incubation period nito.

Grupo ng mga pribadong ospital, tiniyak ang kahandaan ng mga pasilidad sa mga monkeypox cases

Tiniyak ng grupo ng mga pribadong ospital na handa ang kanilang mga pasilidad para sa mga kaso ng monkeypox.

Ayon kay Private Hospitals Association of the Philippines, Inc. President Dr. Jose Rene de Grano, ready ang kanilang mga miyembro para makapag-admit ng mga mai-infect nito.

Dagdag pa ni de Grano, mas makabubuti aniya kung kaagad na dalhin sa isolation facilities sa mga ospital ang mga suspected cases nito imbis na mag-isolate lang sa mga tahanan.

Sa ganitong paraan aniya ay mas mabibigyan ito ng maayos na treatment at ma-oobserbahan ng mga health professionals.

Pinangangambahan kasing makahawa lang ito sa mga miyambro sa bahay at dumami pa ang kaso.

Sa huli, sinabi ni de Grano na ang pinakamahalaga pa ring paraan para malabanan ito ay ang pagpapanatili pa rin sa pagsunod sa minimum public health standards at ang madalas na paghuhugas ng kamay.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *