CAMARINES NORTE – Bumagal ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa lalawigan ng Camarines Norte noong Oktubre.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) bumagal ito sa 6.7 % mula sa 8. 5 % noong Setyembre.
Mas mababa rin ito sa 7. 2 % sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Gayunman, nananatiling pinakamataas ito sa rehiyon o nangangahulugan na mas mabilis pa rin ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa Camarines Norte kumpara sa lima pang lalawigan sa Bicol.
Kapag mataas ang inflation nangangahulugan ito na lalong lumiliit ang halaga ng pera at kakailanganing gumastos ng mas malaki ng mga consumer para sa mga produkto at serbisyo na kanilang binibili.
Pangunahing nag ambag sa inflation ay ang ang mahal na Restaurants and accommodation services, alcoholic beverages and tobacco at mataas na presyo ng pagkain.
Ang Albay pa rin ang ikalawa sa Camarines Norte na nakapagtala ng pinakamabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa antas na 5. 0 % na bahagyang bumagal mula sa 6. 3 % noong Setyembre. Habang ang pinakamabagal na inflation sa rehiyon noong Oktubre ay naitala sa Sorsogon sa antas na 3. 5 %.
